Tuesday, April 11, 2006

Dalang Awit ng mga Ibon

At Siya’y dinala
Palabas
Doon sa disyerto
Na doon ay walang

Kanan o kaliwa
Na mapupuntahan
Wala ring iba na kikilalanin
Kundi Siya lamang.

Mahigpit matindi ang gutom
ngunit nanatili
mga bato
sa Kanyang kinatatayuan

at palibot doon
umiikot naghahanap
mga mata’t yapak
ngunit walang ibong umaawit,

nakasilong ngunit
sila’y natatakot.
Siya’y nanalangin.
Mga bato’y hindi maaaring

Maging tinapay na kasama
Ang Salita ng Diyos ang pinili Niya
Lumuha ang kagutumang ibig masumpungan
Kakaibang pamamahinga.

Ginawa Niya ang isang templo
At ang tahanan na matayog ang layunin
Ay sa Kanya
Na ang kabuuan ng mga bahagi’y

Mga pagpupuri;
Di Niya hahayaan
Sa mga salamangka
Ang tahanan ng Diyos.

Hindi natitinag ang kapayapaan na Siya’y lumuhod
Upang magbigay puri
At ang bawat ibon ay nanood
Inaalala

Ang mga kahuyan.
Mula sa kaitaasan pinagmasdan Niya
Ang kagandahan ng mundo
Sa Kanyang paanan;

At masaya ang tanawin --
Tinitigan niya ang manunukso
"Ah wala
Sila’y hindi sa iyo!

"Ang kaitaasan ba’y walang masasabi
Laban sa kailaliman?
Sinasamba ko ang Diyos
Alam na alam mo."

Noon din ay nagsilipad ang mga ibon
Na may dalang awit tungkol sa Kanya.

No comments:

Post a Comment

Illustrado by Miguel Syjuco -

[ Filipiniana Book Shelf series focuses on books on the PAWR library - that is, bought books that have been read and are being re-read  jus...