Pero kasi I have to come up with a learning module for translation. For concrete examples, ginamit ko ang marami sa mga sarili kong translation. Ginawan-gawan ko ng labels. E ang hahaba nung tables, kaya ayun, sa editing pa lang, inabot ako ng isang linggo. Nagawa ko na ito nung isang taon pero di ba dapat I should do better this time? Baka naman kasi ulitin ko lang yung nasabi ko na- same audience pa naman ito – sa Phnom Phen baga, sponsored ng Fount of Blessings. So kada huwebes at biyernes, basa, basa, basa ako sa library. Eh ang kaso, dahil library yun, kung anu-anong magazine ang binabasa ko. Pati coffee-table books - irresistible. E di ko rin naman napuro yung time sa pagbabasa ng tungkol sa translation lang. I therefore conclude that studying in libraries is not always productive.
Dalawang library lang naman ang malimit kong pinuntahan Filipinas saka ATS. Kasi yung Filipinas malapit sa condo ng kapatid ko, yung ATS naman malapit sa tinutuluyan ko sa QC. Nagpunta din ako sa National Library kaya lang bat ganun dun, alas otso ako dumating, alas nuwebe na yung mga librarian nagmo-morning rituals
Ay naku, in the end, kinuha ko lahat ng ituturo ko dito sa book na Towards a Science of Translating: With Special Reference to Principles and Procedures Involved in Bible Translating by Eugene Nida. Phinotocopy ko ito actually sa National Library. Bawal ba yan? Happily napaka-comprehensive. Binuno ko yung 239 pages, halos mabutas-butas na sa underlining at highlighting. Nagkaka-vertigo na ako sa kakaulit-ulit dahil nakow, mga prends, di madaling basahin. Pero, I recommend NIDA to all translators. So dito ko na kinuha lahat. Eh naconfirm ko rin, marami naman pala akong ginagawang tama sa pagta-translate ko, di ko nga lang alam ang tawag. At least ngayon, kahit papaano, nadagdagan ang vocabulary ko for what I'm doing. I had a limited vocabulary of translation principles, but somehow, it has expanded. Now I can share it. Praise God.
Paano ko kaya padadaliin ang lahat ng natutuhan ko for the participants and interpreter? Yan ang aking hurdle ngayon mga prends.
Pupunta ako dun sa site ng kapatid ko (dun sa resort nya na wala pang tao, kaya akin ang kuwarto. Plugging you are all invited to hold your exclusive celebrations at low cost in that resort -- birthday, wedding, debut, or just chilling out with friends. Will post pictures later kasi di pa yaring-yari eh. Pero maganda ang lugar. Right at the heart of Batangas.) Ideally, magsu-swimming ako tuwing umaga (may pool nga!) para naman ako’y may exercise kuno to stir up my already exhausted brain. O di ba sosyal, may private pool. hehe
Ang hirap talaga. Hirap mag-aral. Hirap magturo. But I keep doing it. And I'm still learning a lot. So I think I'm enjoying it too. Although I keep telling myself "I need a writing sabbatical" - a long time to write - a year maybe?
Sa Phnom Phen, I will keep my fingers crossed kung makatapak ako kahit man lang dun sa
Gusto ko sanang magpunta dun sa “Killing Fields” kaya lang parang ayaw ko rin. Dun na lang sa former prison? Ano kaya? Sasakay lang daw ng Tuktuk. Pero iniisip ko, why would I want to see the grim remains of Pol Pot's cruelty? Why are those places tourist attractions in the first place? on second thought, I shouldn't even ask these questions. I should have no expectations. Who knows? Sabi nga ni Gypsy (read her blog you will be blessed, klick at the link here) God is extravagant when He gives.
Excited ako talaga kaya lang takot din. I also feel privileged kasi kahit paano, I am somehow contributing a tiny something that may matter toward the healing of that battered land. Ilan kaya ang participants? Sana naman may matutunan sila. Nakaka-ingles naman lahat yun, kaya lang, ako hindi nakakapag-Khmer. Tapos translation ang usapan namin? Hayyyy. Kaya ngayon… isang lingo akong magmamadali.