Stagira
Mula sa aking kinaroroonan
Mataas pa sa gubat, higit na matayog sa mga bulaklak
Nakukulambuan ang mga ulap.
Abot ng tanaw ang haring karagatan
Tubig sa labas ng bangang kapaligiran
Na siya niyang sisidlan.
Huli ng aking balintataw
Ang pusod ng lunting sukal
Doo’y tanging siya lamang ang gumagalaw.
Animo’y patpat na pabalik-balik
Paikot-ikot sa linang
Binabasag ang di natitinag na kalikasan.
Isipin na lamang na ang patpat
Na ito’y kailangang maglinang
Upang tumubo ang palay.
Tuesday, September 05, 2006
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Reread These YA & Kids' Lit Gems—They Still Hold Up (And Maybe Even More Now!)
I’ve been thinking about how some books—especially the ones I've already blogged about —just keep getting better on second (or third) ...

-
[ Filipiniana Book Shelf series focuses on books on the PAWR library - that is, bought books that have been read and are being re-read jus...
-
I read memoirs because my life is so insulated Memoirs can offer a window into different worlds and experiences, making them a powerful wa...
hi ate jophen,
ReplyDeleteano ang ibig sabihin ng "stagira"?
cheers,
romel