Sunday, February 18, 2007

Huling Balentino

Minsan ang maging makata ay sumpa
Naririnig mo ang iyong kaibuturan
Ngunit di lahat ng oras ay kayang magbantay
Sa katotohanan

Alam na alam mo ang kaluluwa ng dusa
Maging ang laot ng kasiyahan
Ngunit di lahat ng oras ay kayang magbantay
Sa katotohanan

Sa pagtitig, di mo kakayanin ang ningning ng langit
Di madadalumat dilim ng paligid
Pagkat di lahat ng oras ay kayang magbantay
Sa katotohanan

Kung umibig noon sinamantala lang ang pagiging makata
May tuwa sa pusong tinanggap ang ‘yong pagkilala
Sa mga katagang nilubid sa kaibuturan.

Samantalang marubdob na binabantayan ang katotohanan
Na kailanma’y di tayo papalaot sa ligaya,
Pinapangarap noon ang ningning ng langit.

Gayunma’y humabi nang humabi ng dilim ang mga oras,
At ang pagbabantay ay nawalang saysay --
sumpa ang paghinhintay

Sa ‘yong papuri at paggalang sa hinabing dusa.
Mabuti na lamang... mabuti na lamang
At hindi sa iyong pagsinta.



copyright (c) Feb 2007 by Jophen Baui. All rights reserved.

5 comments:

  1. hebigat nun a! napaisip tuloy ako at hinalughog ang aking baul ng tagalog. tula talaga. hanggang sa muli...-joy

    ReplyDelete
  2. hindi ko magagap...pagsinta ng panulaang hindi matutupad kailanman -- subalit sapat na ang kahit minsan'y nasaling ng kanyang mga tingin?

    ReplyDelete
  3. wow! lalem! check muna ako diksyonaryo...:)

    ReplyDelete
  4. ate jops, please check your message box for blog-city..they're asking us to shift to widgets instead of portlets...there are instructions there on how to do it, and you have a few days left or else....you can check out how this gives your blog-city site a new look by visiting my blog:)

    ReplyDelete
  5. ramdam na ramdam ko ang lalim ng pinanggalingan nitong tulang ito ate Jophen. basang-basa ko ang bawat mga linya. naku! baka sa ating muling pagkikita mas mapalalim pa ang pang unawa sa iyong mga tinuran..

    aking aabangan,sa ating muling pagkikita,,-abbie

    ReplyDelete

Illustrado by Miguel Syjuco -

[ Filipiniana Book Shelf series focuses on books on the PAWR library - that is, bought books that have been read and are being re-read  jus...