Friday, September 21, 2007

So Ngayon Isang Linggo

… so ngayon, isang linggo akong magmamadali. Halos dalawang buwan na akong nagbabasa. Basa ako nang basa ng tungkol sa translation kasi madami akong practice pero wala akong theories, tapos ituturo ko, dun pa sa mga di naman Tagalog. Lahat ng examples ko sa module English to Tagalog. Mamajikin ko yata ang presentation. Isang buwan na ako actually napa-panic. Well, di naman talaga panic. Actually palit-palit na panic, boredom, panic, boredom. Bored na ko kasi ang gusto ko basahin e nobela. Di na nga ako nakakatula.

Pero kasi I have to come up with a learning module for translation. For concrete examples, ginamit ko ang marami sa mga sarili kong translation. Ginawan-gawan ko ng labels. E ang hahaba nung tables, kaya ayun, sa editing pa lang, inabot ako ng isang linggo. Nagawa ko na ito nung isang taon pero di ba dapat I should do better this time? Baka naman kasi ulitin ko lang yung nasabi ko na- same audience pa naman ito – sa Phnom Phen baga, sponsored ng Fount of Blessings. So kada huwebes at biyernes, basa, basa, basa ako sa library. Eh ang kaso, dahil library yun, kung anu-anong magazine ang binabasa ko. Pati coffee-table books - irresistible. E di ko rin naman napuro yung time sa pagbabasa ng tungkol sa translation lang. I therefore conclude that studying in libraries is not always productive.

Dalawang library lang naman ang malimit kong pinuntahan Filipinas saka ATS. Kasi yung Filipinas malapit sa condo ng kapatid ko, yung ATS naman malapit sa tinutuluyan ko sa QC. Nagpunta din ako sa National Library kaya lang bat ganun dun, alas otso ako dumating, alas nuwebe na yung mga librarian nagmo-morning rituals pa. Hirap pa maghanap ng libro. Dilim dilim. eh malabo ang mata ko no. Dami ko reklamo. Kaya di na ko bumalik dun. Tapos dun sa Filipinas library – lammmmig. Ay, nagpunta din pala ako sa Bread of Life library. Dun naka-aral ako. At saka kasi ang lakas ng ulan noon. Di ako makalipat ng library. Walang masyadong distractions dun. Good ambiance. Soooo quiet. Then when you're tired, go to Solarium. Majority of the books on their shelves are really for pastors. At dun naman sa ATS Library, dami tsika, kasi kada eskuwela ko at colleague na makita ako, "Hi Ma’am long time no see," sabi nila. Kasi wala ako load ngayon sa ATS. Tapos ayun na, tsikahan na. Kaya ako naman kakaunti tuloy ang nagawa. Yung whole day, half day na lang. Pero hapi naman ako dun sa mga pa lunch lunch ko with my former students.

Ay naku, in the end, kinuha ko lahat ng ituturo ko dito sa book na Towards a Science of Translating: With Special Reference to Principles and Procedures Involved in Bible Translating by Eugene Nida. Phinotocopy ko ito actually sa National Library. Bawal ba yan? Happily napaka-comprehensive. Binuno ko yung 239 pages, halos mabutas-butas na sa underlining at highlighting. Nagkaka-vertigo na ako sa kakaulit-ulit dahil nakow, mga prends, di madaling basahin. Pero, I recommend NIDA to all translators. So dito ko na kinuha lahat. Eh naconfirm ko rin, marami naman pala akong ginagawang tama sa pagta-translate ko, di ko nga lang alam ang tawag. At least ngayon, kahit papaano, nadagdagan ang vocabulary ko for what I'm doing. I had a limited vocabulary of translation principles, but somehow, it has expanded. Now I can share it. Praise God.

Kaya eto na po. Sa isang lingo, ang balak kong gawin ay mag-aral-lang nang mag-aral ng ginawa kong module. Nasulat ko na, kaya lang ngayon naman kailangan kong practisin at padaliin kasi napaka-teknikal talaga ng mga theories. Yung book na ginamit ko nung isang taon, nawala sa eroplano. Sayang. I forgot the title. Maganda rin yun. Taught me something about semantics, syntactics, and pragmatics in translation. ANO YAN? Yan mga prends ang kaso dito. Kahit magbasa ako nang magbasa, feeling ko di ako talaga magiging at home sa linguistics sa sobrang kateknikalan.

Paano ko kaya padadaliin ang lahat ng natutuhan ko for the participants and interpreter? Yan ang aking hurdle ngayon mga prends.

Pupunta ako dun sa site ng kapatid ko (dun sa resort nya na wala pang tao, kaya akin ang kuwarto. Plugging you are all invited to hold your exclusive celebrations at low cost in that resort -- birthday, wedding, debut, or just chilling out with friends. Will post pictures later kasi di pa yaring-yari eh. Pero maganda ang lugar. Right at the heart of Batangas.) Ideally, magsu-swimming ako tuwing umaga (may pool nga!) para naman ako’y may exercise kuno to stir up my already exhausted brain. O di ba sosyal, may private pool. hehe

Ang hirap talaga. Hirap mag-aral. Hirap magturo. But I keep doing it. And I'm still learning a lot. So I think I'm enjoying it too. Although I keep telling myself "I need a writing sabbatical" - a long time to write - a year maybe?

Hindi naman ako nagrereklamo. Kaya lang ay naku, di talaga ako makakapasyal sa Phnom Phen. Di ba dapat when you go to another place kahit paano you can do some sight seeing? Nung isang taon, nagpunta ako Siem Reap. I went to Ankor Wat, pero kasi ang dami ko pa di napuntahan dun. And I didn't even see the Lake. Gusto ko pa sumakay ng elepante hahaha!

Sa Phnom Phen, I will keep my fingers crossed kung makatapak ako kahit man lang dun sa Royal Palace kasi malapit lang daw yun. I have only one day spare kasi apat na araw yung seminar. APAT NA ARAW 8 to 5 yun mga prends. I think God is pleased at this. At ang priority ay siyempre, yung maging effective yung module at maka-fellowship naman sa mga participants. Last year, they all came from para-church organizations. So much translation needs for Christian literature. I think God wants me to do this. Nung isang taon, di na ako nakapunta sa mga invitations nila. Sana this time, makabonding naman ako at makatsika nang mahaba-haba with new friends.

Gusto ko sanang magpunta dun sa “Killing Fields” kaya lang parang ayaw ko rin. Dun na lang sa former prison? Ano kaya? Sasakay lang daw ng Tuktuk. Pero iniisip ko, why would I want to see the grim remains of Pol Pot's cruelty? Why are those places tourist attractions in the first place? on second thought, I shouldn't even ask these questions. I should have no expectations. Who knows? Sabi nga ni Gypsy (read her blog you will be blessed, klick at the link here) God is extravagant when He gives.

Excited ako talaga kaya lang takot din. I also feel privileged kasi kahit paano, I am somehow contributing a tiny something that may matter toward the healing of that battered land. Ilan kaya ang participants? Sana naman may matutunan sila. Nakaka-ingles naman lahat yun, kaya lang, ako hindi nakakapag-Khmer. Tapos translation ang usapan namin? Hayyyy. Kaya ngayon… isang lingo akong magmamadali.

No comments:

Post a Comment

Illustrado by Miguel Syjuco -

[ Filipiniana Book Shelf series focuses on books on the PAWR library - that is, bought books that have been read and are being re-read  jus...