hinihingi mo sa akin
na ako'y maging kahoy
na inanod
sa iyong dalampasigan
upang
paputlain ng araw
bayuhin ng alon
kaskasin ng buhangin
hanggangbayuhin ng alon
kaskasin ng buhangin
mauka nang mauka
matuyo at malapok
handa na
sa sindi
na magpapaliyab
sa apoy na susunog
upang maging usok na magpapabanal.
lalamunin ako ng apoywalang matitira kundi
abo
mainit-init na buhangin
at alat ng asin.
salin ng tulang "Firewood" ni Craig Steeland, mula sa New Christian Poetry, Alwyn Marriage, Editor
No comments:
Post a Comment